Pag Nurse ka yayaman ka!

Facebook
YouTube
Instagram

Karaniwan sa ating mga nurse ay may goal na makapagabroad para lumaki ang sahod at makaipon para sa pangangailangan ng mga anak, kapatid, magulang at para sa sarili.

At meron din na ang dahilan para umalis ay upang magkaron ng puhunan para makapagtayo ng sariling negosyo. Kasamaang palad, dahil hindi nila alam paano maguumpisa, ang naiipon nilang pera sa abroad ay nauubos din lamang sa pampasalubong pag-uwi at sasabihin sa sarili na maiipon ko naman ulit yan at next time na lang.

Paano nga ba magsimula ng isang simpleng negosyo? Ano nga ba ang mga unang hakbang para masimulan ang mga naisip mo? Paano nga ba ito magiging succesful? Nakakatakot ba mag negosyo?

Narito ang “R.I.C.H.N.U.R.S.E.S.” Tips kung paano nga ba magsimula ng isang negosyo:

1. R- Record ideas when it crosses your mind.
Lahat ng mga kilala kong nurses ay mayroong artistic side. Naguumapaw ang mga ideas na pumapasok sa isip. At yung ibang ideas na naiisip niyo ay maaring isang “Business idea” o ” Pakulo”. Lahat ng maiisip niyo ay masasayang lang kung di niyo ito maisusulat sa papel dahil makakalimutan niyo din yan pag tagal. Pag naisulat niyo na ang mga ideas niyo, alisin niyo sa listahan ang mga ideas na tingin ninyo ay hindi papatok o hindi posibleng gawing negosyo.

2. I- Investigate.
Pagtapos makapamili ng business idea, pag-aralan niyo o magconduct kayo ng feasibilty studies sa lugar na posibleng pagtayuan ng negosyo ninyo. Meron bang competition sa lugar, kaya bang bilhin ang produkto niyo ng mga tao dun? May tatangkilik ba sa naisip niyo?

3. C- Create a buisness plan.
Ang pag nenegosyo ay hindi pagkakaron ng pang capital lamang. Kailangan meron kang guide sa uumpisahan mo at ito ang “Buisness Plan”. Naglalaman ito ng, Internal and External Summaries, SWOT Analysis, Goals and Objectives, Course of Action, Business model, Product summary, Projections at Executive Summary.
Kailangan ninyo itong magawa dahil isa ito sa gagamitin niyo kung mag aavail kayo ng business loan.

4. H- Have the fund!
Ang pagkakaron ng capital ay kadalasan kinukuha ng mga tao sa kanilang savings account. Pero hindi lamang ito ang pwedeng pagkuhanan. Pwede ka mag-loan sa bank o mga lending companies. Pero bago mo gawin yun, tingnan mabuti ang projected expenses kung kikita ka pa rin kahit may binabayaran na loan. Kung tingin mo ay kaya, mas maganda itong paraan kaysa gamitin ang pinaghirapang ipon galing sa trabaho. Ang negosyo mo ay dapat hiwalay sa personal finances mo.

5. N- Name your business.
Bench, Jollibee, Giordano, Littman etc., Yan ang ilang pangalan ng negosyo na di mo na makakalimutan. Dapat ganyan din ang maisip mo na pangalan sa negosyo mo. Dapat ito ay “Catchy”, “Simple”, “Madaling Tandaan” at “Kakaiba”. Mag-isip ka ng mga tatlo hanggang lima dahil maaring meron kang kapareho pag nagparegister ka na sa DTI.

6. U- Understand the types of business structures.
Kung di mo pa alam ang Sole Proprietorship, Partnership, at Corporation, aralin mo muna ang mga ito. Alamin mo kung ano ang mga implications ng bawat isang business model at kung tugma ba ito sa naisip mong negosyo.

7. R- Register your business
Pagtapos ng lahat ng pag-iisip, simulan mo na ang mga sumusunod na hakbang sa pag rerehistro.

* DTI
* Barangay Permit
* Mayor’s Permit
* BIR
* SSS,PAGIBIG,PHILHEALTH

8. S- SEEK HELP!
Isa sa pinaka-malaking pagkakamali na pwede mong gawin sa pagsisimula ay ang pag-iisip na alam mo na lahat. Huwag mahiyang magtanong sa mga taong may maraming experience sa pag nenegosyo at pag iinvest. Create a Board of Advisors, Mentally, Spiritually, Financially etc. Tandaan niyo lamang na mas madali umunlad ang taong maraming alam at marami pang gusto malaman.

9. E- EXPAND,EXPLORE
Never stop reinventing your business. Dapat maging dynamic ito para makasabay sa mga kalabang negosyo. Gumawa ng ibat ibang “Gimik”, gumawa ng website, mag promo, at marami pang iba.

10. S- Start Now!
Lahat ng sinabi ko ay masasayang kung hindi ka magsisimula. Sabi nga, “Your Comfort Zone is your Wealth Zone”. Kung comfortable ka na ngayon sa ginagawa mo bilang empleyado, maaring hanggang diyan na nga ang pagyaman mo. Always find the challenges and conquer it! Hindi mo malalaman kung kaya mo kung matatakot ka magsimula.

Naalala ko nung college days ko, ang sabi ng professor ko sa’min ay “Always Expand Your Horizon”. Keep on dreaming but learn when to realize it. If you need help we are here to guide you to become R.I.C.H. N.U.R.S.E.S, and start to be Rich NOW!